"Mag- TEACHER KA NA LANG." 🫣
Isa ito sa mga linyang madalas kong naririnig.
At sa totoo lang, lagi ko itong kino-correct
Bakit may salitang "na lang"?
Parang ang dating, kapag wala ka nang ibang option... mag-teacher ka na lang.
Kapag hindi natuloy ang pangarap...
mag-teacher ka na lang.
Kapag gusto mo ng "madaling trabaho"...
mag-teacher ka na lang.
Pero kung alam lang nila...
Hindi natatapos ang trabaho ng teacher kapag tumunog na ang huling bell.
May lesson plans at powerpoints pa.
May checking ng notebooks at performance task
May paggawa ng exam at pagre-record ng grades
May reports na tatapusin.
May meetings.
May trainings.
May interventions para sa mga batang nangangailangan.
At may mga gabing dala pa rin ng teacher ang problema ng kanyang mga estudyante.
Minsan, teacher ka.
Minsan, counselor.
Minsan, mediator
Minsan, nurse.
Minsan, parent.
At madalas... ikaw ang unang taong naniniwala sa isang batang wala nang naniniwala sa sarili niya.
Kaya sa tuwing naririnig ko ang "Mag-teacher ka na lang," napapaisip ako...
Kailan naging "na lang" ang propesyong humuhubog sa kinabukasan ng bawat propesyon?
Bago naging doktor, abogado, inhinyero, pulis, accountant, negosyante, o piloto ang isang tao...
May teacher munang naniwala, nagturo, at humubog sa kanya.
Kaya sana, baguhin natin ang paraan ng pagsasalita.
Hindi "Mag-teacher ka na lang."
Kundi... "MAG-TEACHER KA."
Dahil ang pagiging guro ay hindi "last option."
Ito ay isang propesyon na nangangailangan ng talino, tibay ng loob, at pusong handang magsilbi.
At hindi ito para sa lahat. 🤍🌸
P.S. Let's honor our teachers—not because they are perfect, but because they continue to show up, teach, and shape lives despite the challenges.
Give them the respect they truly deserve.
