Pwede ko ba silang maging entry sa Pet Challenge ? Charot!
Wento ko lang, 1st pet ko si Mimim. Very cute Cat. Inilayo ng lolo ko dahil nakaka trigger daw ng hika ang balahibo nila.eh ubuhin ang ate nyo noong bata pa 😂 Baka iniligaw ng lolo ko. First heartbreak.
2nd Pet ko ay si Ben. Binili ng tatay ko nung na destino sa Bataan. Iniuwi ng Manila at ginawa kong Winnie the Pooh 😅 eh bawal Naman maglagay ng babuyan sa Manila, na deds ang baby baboy ko sa sakit. Sinipon lang. Yun Ang tanda ko.
3rd Naman si kukuk. Eto teen-ager na ako Neto. Si kukuk yung manok. Panabong na klase. Dala ng Tito ko galing sa kung saan. Ibibigay sana sa tatay ko, kaso tatay ko, di Naman sabungero. Mas hilig nun Ang kabayo na nakikita sa TV na tumatakbo. Hiningi ko na lang at inalagaan si kukuk.
One day, pag uwi ko galing school, wala na si kukuk sa bahay. Nasa kumpare na ni tatay. Binigay na dahil pangit daw tingnan na babae ako at nag aalaga ng panabong. Di ko maisip ano ang konek.Hindi ko kinibo tatay ko ng one week 🤨 .
Sunod Naman ay si Tintin, family dog pero na deds dahil sa old age. Tagal ko di maka move on.
Last Naman si Red, dog din. Family dog sa bahay nila mudra. Na deds sa farvo. Kapatid ko ang super luhaan kasi siya ang nag sustento sa lahat ng needs ni Red.
Yung AI pic na yan, ganyang ganyan itsura nila. Nakaka miss.
Labyow all!




