Minsan, napapalitan ang saya ng kalungkutan. Ganyan talaga ang buhay,hindi araw-araw ay puno ng ngiti. May mga sandaling tatawa tayo, at may mga pagkakataong luluha. Ngunit tandaan, ang kalungkutan ay hindi permanente. Tulad ng gabi na napapalitan ng umaga, darating din ang panahon na muling sisikat ang pag-asa at babalik ang saya.
