π‘»π’˜π’Šπ’π’Œπ’π’†π‘©π’†π’π’π’†'s avatar
π‘»π’˜π’Šπ’π’Œπ’π’†π‘©π’†π’π’π’†
twinklebelle@bchnostr.com
npub1e759...f74u
π‘³π’Šπ’‡π’† π’Šπ’” 𝒂𝒏 𝒂𝒅𝒗𝒆𝒏𝒕𝒖𝒓𝒆, 𝒔𝒐 𝒔𝒑𝒓𝒆𝒂𝒅 π’šπ’π’–π’“ π’˜π’Šπ’π’ˆπ’” 𝒂𝒏𝒅 π’‡π’π’š ΛƒΝˆβ—‘Λ‚Νˆ
Ang ganda talaga ng umaga kapag hindi mo agad iniisip ang lahat ng kailangang gawin.Madalas kasi pagdilat pa lang natin, agad na pumapasok sa isip ang mga gawain, mga problema, mga bagay na kailangang asikasuhin. Parang nakalimutan na nating pahalagahan muna yung simpleng biyaya. Huwag mong madaliin ang lahat. Kung ano man ang hindi mo maabot ngayon, makakaya mo rin sa ibang araw.kaya relax lang muna chill lang. Pero pag may cash stamps di pwede ang magrelax kailangan magmadali πŸ˜‚
May mga bagay talagang gaano man natin kagustuhan, gaano man tayo katiyaga, ay hindi agad dumarating sa atin. Minsan parang laging lumalayo kahit sinusundan natin. Minsan naman parang nasa harap na, pero pag inabot mo ay parang bula na bigla na lang naglalaho. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi para sa atin ang mga iyon. Minsan, kailangan lang muna tayong matuto ng mga bagay na hindi natin makukuha kung ibibigay agad sa atin ang lahat.Minsan din, ang akala nating "mailap" ay hindi naman talaga ang bagay na hinahangad natin,kundi ang tamang panahon, o ang tamang paraan para matanggap ito nang maayos. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung hindi mo pa rin makita at makuha ngayon,baka sa susunod maswertihan mo naman. Baka kailangan lang munang maging handa ka,at walang nakaabang sa paligid ligid para makuha mo ito πŸ˜‚ Cash Stamps ka ba??? Kasi hanggang "better luck next time" na lang akoπŸ˜‚
↑