π‘»π’˜π’Šπ’π’Œπ’π’†π‘©π’†π’π’π’†'s avatar
π‘»π’˜π’Šπ’π’Œπ’π’†π‘©π’†π’π’π’†
twinklebelle@bchnostr.com
npub1e759...f74u
π‘³π’Šπ’‡π’† π’Šπ’” 𝒂𝒏 𝒂𝒅𝒗𝒆𝒏𝒕𝒖𝒓𝒆, 𝒔𝒐 𝒔𝒑𝒓𝒆𝒂𝒅 π’šπ’π’–π’“ π’˜π’Šπ’π’ˆπ’” 𝒂𝒏𝒅 π’‡π’π’š ΛƒΝˆβ—‘Λ‚Νˆ
May mga bagay talagang gaano man natin kagustuhan, gaano man tayo katiyaga, ay hindi agad dumarating sa atin. Minsan parang laging lumalayo kahit sinusundan natin. Minsan naman parang nasa harap na, pero pag inabot mo ay parang bula na bigla na lang naglalaho. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi para sa atin ang mga iyon. Minsan, kailangan lang muna tayong matuto ng mga bagay na hindi natin makukuha kung ibibigay agad sa atin ang lahat.Minsan din, ang akala nating "mailap" ay hindi naman talaga ang bagay na hinahangad natin,kundi ang tamang panahon, o ang tamang paraan para matanggap ito nang maayos. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung hindi mo pa rin makita at makuha ngayon,baka sa susunod maswertihan mo naman. Baka kailangan lang munang maging handa ka,at walang nakaabang sa paligid ligid para makuha mo ito πŸ˜‚ Cash Stamps ka ba??? Kasi hanggang "better luck next time" na lang akoπŸ˜‚
Minsan parang ang bilis lang talaga ng araw. Parang kailan lang Lunes tapos biglang eto weekends na naman. Sa mga araw na abala tayo, minsan nakakalimutan nating huminto kahit saglit lang. Ngayon naman, habang nakatingin lang sa labas o habang nagpapahinga, napapaisip ako,hindi naman kailangang laging may malaking nagawa para masabing naging maayos ang linggo mo. Basta’t nagtiyaga ka, naging mabuti ka pa rin kahit mahirap, at hindi ka sumuko sapat na β€˜yun. Ang pinakamagandang bahagi ng pahinga ay yung hindi mo kailangang magpanggap na maayos ka palagi. Pwede kang mapagod, pwede kang malungkot nang kaunti, pwede kang manahimik. Walang maling paraan ng pagpapahinga. Basta’t binibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na makabawi ng lakas bago ka muling humarap sa hamon ng bukas.Sa ngayon, yakapin mo na lang ang kapayapaan ng araw na ito. Pasalamatan mo ang lahat ng nangyari,maganda man o mahirap,dahil lahat ng yun ang nagdala sa’yo kung nasaan ka ngayon. At higit sa lahat, pasalamatan mo rin ang sarili mo dahil hindi ka sumuko kahit minsan ay mabigat ang lahat.serious mode activated πŸ˜‚gandang umaga πŸ˜‚
June 13 nung aq ay napadpad dito, β€Žsabi nung nag invite "Gawa ka na sali ka na dito, β€ŽSiyempre ako naman gorabels lang, β€ŽAt di naman aq nagsisisi kasi masaya naman pala dito β€Ž β€Žkaya nagpapasalamat ako sa kanya, β€ŽAlam mo na kung sino kaπŸ˜‚ β€ŽDahil sayo ako ay nandito, Dahil sayo di aq nagseseryoso πŸ˜‚ Kahit matagal na di tau nagkausap, Akala q nga di na tau magkakachat, Dahil may kanya kanya ng pinagkakabusyhan, Pero ayun na nga di mo aq nakalimutan Kung sino ka man iiyak na yan πŸ˜‚πŸ˜‚
↑