Peer Sampling Service
Ang paghahanapan ng mga nodes at paggawa ng bawat node ng listahan ng peers sa network ay maibabalot sa peer sampling service. Sa malaking network, hindi praktikal at kailangan malaman lahat ng iba pang kasamang nodes, kundi subset lamang.
Simple lang ang implementasyon nito. Pwedeng dalawang paraan lang ang gamitin:
init() - Pansimula o initialize ng serbisyo kung hindi pa ito nagagawa ng isang node.
getPeer() - Ang pagbalik ng peer address o node identifier basta may iba pang kasapi sa network.
Partial View
Ito ay ang pangkat ng mga pagkakakilanlan ng mga nodes, o node identifiers, na ibibigay sa bawat isang node. Tipikal na node identifier ay ang tuple ng (ip : port). May nakatakdang bilang ng kasapi sa listahang ito. Ang bilang na nakukuha ng bawat node ay pare-parehas, subalit magkakaiba ang nilalaman.
Ang pagkakaayos ng node identifier ay nakabase sa hop count, mula sa pinakamababa, pataas. Ang hop count ay ang bilang ng pagtalon ng mensahe mula sa pinanggagalingang node. Kaya mayroong mga magkakaparehas ang hop count sa isang partial view. Bakit? Balikan ang ilustrasyon sa pagkalat ng mensahe sa Gossip protocol.
Ang partial view ay overlay network (nanaman), sa pananaw ng node.
May 2 stratehiya para magpanatili ng partial views:
> Reactive - ina-update lamang ang partial view kapag mayroong pangyayari na nakakaapekto sa overlay. Halimbawa, kapag may bagong node na sumali o pag may umalis sa network.
> Cyclic - Dito naman, ang partial view ay ina-update kada takdang oras, kung saan nagkakaroon ng pagpapalit ng impormasyon ng mga magkakapitbahay.
Kapag stable ang network, ang partial view ay hindi nagbabago sa reactive na stratehiya. Samantalang sa cyclic na stratehiya, nagbabagu-bago ang partial view kahit stable ang network.
Mga katangian ng Partial View
Ang mga sumusunod ay maaaring magamit para sukatin ang kalidad ng partial view.
> Connectivity - Syempre, dapat konektado ang mga nodes sa partial view. Kahit isang koneksyon lang ng bawat node sa iba ang kailangan para masabing walang nahiwalay na node.
> Degree Distribution - sa isang graph na hindi mahalaga ang direksyon (undirected), ang degree ay ang dami ng edges. Pero sa usapan ng partial views, directed ang graph, ang direksyon palabas at papasok ng isang node ay tinuturing na magkaiba. Mayroong in-degree at out-degree ang node. Ang in-degree ng isang node, n, ay ang dami ng nodes na mayroong identifier ni n sa kanilang partial view. Dito masusukat kung gaaano kadali maabot ang node, ang probability na matatanggap nito ang mensahe at ang maximum na redundant na mensahe. Ang out-degree naman ng n ay ang dami ng nodes sa sarili nyang partial view. Dito masusukat kung gaano kahalaga ang node na iyon para mapanatili ang overlay.
>Average Path Length - Ito ay average ng lahat ng pinakamaiksing paths sa pagitan ng mga pares ng nodes sa partial view. Mas mainan na mababa ito dahil sa relasyon nito sa tagal ng pagpasa ng mensahe sa lahat ng nodes.
> Clustering Coefficient - sa isang node, ang clustering coefficient ay makukuha sa pagbilang ng dami ng edges sa pagitan ng mga kapitbahay nito, at idi-divide sa maximum na posibleng edges sa mga naturang kapitbahay. Ito ay may value na 0 hanggang 1. Ang clustering coefficient ng graph ng partial view ay ang average ng lahat ng clustering coefficients. Hindi natin gusto na masyadong konektado ang mga kapitbahay na nodes sa isa’t isa. Bakit? Kapag mataas kasi ang clustering coefficient, mas mataas ang redundancy ng mga mensahe. Kapag mataas din ang clustering coefficient, sa isang panig ng graph, mas madali itong mahiwalay, dahil posibleng umiikot lang sa isang cluster ng mga nodes ang mensahe, sa halip na maabot ang mas malayong nodes.
> Accuracy - makukuha naman ito kapag binilang ang mga kapitbahay ng isang node na hindi pumalya (not failed) at idi-divide sa pangkalahatang dami ng kapitbahay. Ang accuracy ng graph ay ang average ng accuracy ng lahat ng correct nodes. Kapag mababa ang accuracy, maraming palyadong node ang mapipiling gossip target, na makakasira ng proseso. Kailangang taasan ang fanout kung ganun.
Ngayon at napag-usapan na natin ang mga basic na konsepto ng gossip protocol, pwede na natin tignan ang pangkalahatang ideya ng Bitcoin P2P Network.
Bitcoin ba kamo?
bitcoinbakamo@iris.to
npub1svhm...jk0z
Intindihin natin ang bitcoin. (Let's understand bitcoin, in Filipino.)
https://bitcoinbakamo.xyz
Fortnite adding Bitcoin mine to its official game play map is a strong idea feeder to a youth's mind.
Stratehiya at Performance Metrics ng Gossip Protocol
Ipagpatuloy natin ang mga basic na konsepto ng Gossip Protocol.
Mga Stratehiya sa Gossip Protocol
Ang mga ito ay basic na stratehiya sa implementasyon ng Gossip Protocol:
- Eager Push - Ito ay kapag pinapasa ng node agad-agad ang buong mensahe na natatanggap nya.
- Pull - Ito ay ang peryodikong pagtatanong ng isang node sa iba, kung meron bang bagong mensahe na hindi pa nito alam. Kapag nalaman ng nagtatanong na meron ngang bagong mensahe, hihingin nito ang kabuuan.
- Lazy Push - Ito ay kapag pinapasa ng node ang identifier lamang ng bagong mensahe. Kapag nalaman ng nakatanggap na bago lang din ito sa kanya, hihingin nito ang kabuuan.
Mas mabilis ang pagkalat ng impormasyon sa Eager Push. Pero mas mataas ang redundancy na magaganap. Sa Pull at Lazy Push kasi, magkakaroon pa ng balikan sa komunikasyon bago kunin ang kabuuan ng mensahe/data.
Maaari ring pagsamahin ang mga nabanggit na stratehiya sa pagpapatakbo ng gossip protocol.
Performance Metrics ng Gossip Protocol
- Reliability - ito ang porsyento ng active nodes na nagpadala ng mensahe. Layunin ng gossip protocol na makaabot ng 100% reliability kahit na mayroong mga umaalis o pumapalyang nodes.
- Relative Message Redundancy (RMR) - Ito ay pawang sukat ng message overhead, o gastos ng oras at data ng paggawa at pagkalat ng mensahe. May formula para dito:
m/(n-1) - 1
Kung saan ang m ay ang bilang ng lahat ng mga payload messages na pinagpapalitan sa pag-broadcast, at ang n ang bilang ng lahat ng mga nodes na nagpadala ng na-broadcast na mensahe. Minimum na 2 nodes na nakapagpadala ang kailangan para magamit ang RMR. Mas maiging malapit sa zero ang halaga nito. Pero syempre, dapat mataas ang reliability habang mababa ang RMR. May posibilidad kasi na mababa nga ang RMR, pero mababa ang reliability dahil marami na palang palyadong node.
- Last Delivery Hop (LDH) - ito naman ang sumusukat sa dami ng talon ng isang mensaheng matagumpay na napadala. Mas mababang bilang ng talon, mas mainam.
May mga iba-ibang sistema na pwedeng ilagay sa ibabaw ng mga protocol, iba-ibang mga overlay sa network o bahagi ng network. Pag-usapan natin ang isa sa susunod na post.
Gossip Protocol - panimula
Ang gossip protocol ay ang pagpapasa ng impormasyon sa peer-to-peer network na halintulad sa pakikipagtsismisan. Tinatawag din itong epidemic protocol dahil sa pagkakahalintulad sa pagkalat ng sakit. Ang may hawak ng impormasyon ay magpapasa sa isa o higit pang nodes, at mananatiling may hawak ng impormasyon (o infected). Tapos uulitin ang pagpasa ng lahat ng nahawaan ng impormasyon patungo sa iba hanggang lahat ay meron na. Ang gossip protocol ay matatag sa harap ng mga pagsubok na maaaring harapin ng network.
Basahin ang panimulang diskusyon dito:
Gossip Protocol – panimula – Bitcoin ba kamo?
Uri ng Peer-to-peer Overlay Network
Alam na natin na ang Internet ay Mesh ang topology, dahil sa koneksyon ng mga routers. At naimahe mo na ang layers sa Internet Protocol Suite. Balik tayo sa usapan ng peer-to-peer network.
Sa malakihang peer-to-peer network na nakasakay sa Internet, meron pa uling usapan ng topology. Ito ay kung paano nakaorganisa sa pananaw ng bawat node ang iba pang kasapi. Kumbaga, network sa ibabaw (overlay network) ng pisikal na network topology. Ito ay nakasalalay na sa protocol at software na gamit sa application layer. Gamitin nalang natin ang overlay network na katawagan, sa halip na topology. Mairerepresenta ang overlay network sa pamamagitan ng graph ng mga nodes na may guhit sa pagitan ng mga nodes na may direktang koneksyon.
Uri ng peer-to-peer overlay network
Unstructured - ito ay kung saan walang istraktura ang network, at nakasalalay sa mga kalapit na nodes o sinumang mag responde agad, ang pagbibigay ng mensahe ng bawat node, patungo sa intensyon nito.
Structured - ito ay kung saan may sinusundang ruta ng impormasyon at address space ang mga nodes para may istraktura ang network. Mayroon ding limitasyon sa kung ilang mensahe ang ilalabas sa paghahanap ng mga bagay-bagay.
File sharing - ito ang pinakagamit ng BitTorrent. At dito, hindi kailangan ng lahat ng nodes na malaman ang buong laman ng ibang nodes. Kung ano lang kailangan na file, yun lang ang hahanapin sa iba. May mga algorithms na pinakulo ng may-likha ng BitTorrent para mapabilis ang file sharing. Nagkaroon din ng mga pagpapabuti sa network para mas maging matatag ito. Halimbawa, mula sa paggamit ng centralized na tracker - na syang tumutulong sa mga peers na maghanapan - nagkaroon ng decentralized na paraan ng paghahanap. Bumagay sa BitTorrent ang pagsama ng distributed hash table (DHT) na protocol kagaya ng Kademlia. At gamit ito, nakakabuo ang mga nodes ng overlay network na may tree structure.
Subalit sa Bitcoin, ang pagpapaalam ng lahat ng transaksyon sa network ang pinakakonsepto ng trustless monetary policy. Dahil dito, hindi kailangan ang DHT at istraktura sa overlay network. Sa halip, gumagamit ang Bitcoin ng mas simpleng ideya na gossip protocol.
Tignan ang ilustrasyon:
Uri ng Peer-to-peer Overlay Network – Bitcoin ba kamo?
Relax, use the time to transfer from exchange to non-custodial, or from hot to cold wallet. #Bitcoin
Ang Two Generals Problem
May 2 thought experiments na kilala sa pag-aaral ng distributed systems. Ipinapakita ng mga ito ang problema sa koneksyon at pagtitiwala sa loob ng network. Pag-usapan muna natin ang isa: Two Generals Problem. Ito ay isang paradox - hindi talaga ito nasosolusyunan.
Ipagpalagay na may 2 hukbo na bawat isa’y pinangungunahan ng 2 heneral. Ang bawat hukbo ay nakaposisyon nang magkalayo, at sa pagitan nila ay ang syudad na balak atakihin. Dahil malakas ang depensa ng syudad, kailangan sabay umatake ang hukbo para magwagi. Ang isang hukbo ay matatalo kung ito lamang ang sumugod. Kaya, ang 2 heneral ay dapat magtugma sa oras ng pag-atake. Ang bawat heneral ay dapat ring malaman na nagkasundo nga sila sa oras.
Ang paraan lamang para sila ay mag-usap ay sa pamamagitan ng mensahero. Subalit kailangan dumaan ng mensahero sa teritoryo ng kalaban, kaya may tsansa itong mahuli. Ang mensaheng ipapadala ng isang heneral ay maaring hindi matanggap ng kabila. At kapag hindi makatanggap ng mensahe ang isa, imposibleng malaman kung dahil ba ito sa pagkakahuli ng mensahero, o hindi talaga nagpadala yung kabila?
Mapapatunayan na kahit gaano karaming kompirmasyong mensahe ang ipadala, walang katiyakan ang bawat partido kung sabay nga silang aatake.
Sa distributed system, walang kasiguraduhan ang isang node ukol sa estado ng ibang node hanggat hindi nag-uusap. Subalit, may laging tsansa na hindi maaasahan ang dinadaanan ng mensahe. Kaya, ang gagawing sistema ay dapat nakadisenyo kung saan tinatanggap ang hindi kasiguraduhan; papaliitin lang ang tsansa na mangyari ang hindi nais.
Tignan ang ilustrasyon at mga halimbawang aplikasyon sa:
Ang Two Generals Problem – Bitcoin ba kamo?
Ay, nahuli ito ah! Makakatulong sa pag-aaral ng klase ng network kapag naiintindihan natin ang grupo ng mga protocol na sumusuporta sa Internet:
Mga layers sa Internet Protocol Suite – Bitcoin ba kamo?
Peer-to-peer Network - panimula
Mula sa client-server network, lipat naman tayo sa isang uri ng network na pinili para sa Bitcoin:
Sa ganitong network ( ang bawat device ay kayang maging client at server. Sa ulirang sitwasyon, ang bawat kompyuter ay magkakapantay o magkakauri. Kaya sila ay magkapwa o peers. Pwedeng humiling ng impormasyon, at magbigay ng impormasyon ang bawat isa, depende sa naitatago nito.
Decentralized - ito naman ang katangian ng peer-to-peer network kung saan, walang nakakalamang ng kontrol sa network. Kaya maiiwasan ang isyu ng single point of failure at censorship. Mas mahirap din ito atakihin ng masasamang loob dahil sa dami ng nodes.
Subalit, dahil ang network ay hindi minamando ng isang makapangyarihan na server, hindi mo masisiguro kung may back up ba lahat ng data. Depende sa laki, mahirap din ang pagdedesisyon, dahil kailangan ng consensus ng mga nodes.
Kaya kung ganito, kailangan ng protocol kung saan mas marami ang mananatiling mabuti sa loob ng network, at efficient ang pagpapasahan ng data.
Madali lang sumali sa peer-to-peer network. Pero siguro, sa mga nasanay na sa pagiging kombenyente ng client-server network, ang pagsali sa peer-to-peer network ay mas nakakatamad gawin. Ang pananaw na normal lang ang pagsali sa P2P network ay maiging pagkasanayan ng mga tao. Lalo na kung palalawakin natin ang pagtanggap sa Bitcoin.
Kilalang peer-to-peer network ang BitTorrent. Pinakagamit nito ay ang file sharing. May isyu ito, lalo na noong mga 2000s, sa copyright. Maraming users ang ginamit ang BitTorrent para sa mga piniratang files. May panahon na mahigit 30% ng upstream na trapiko sa Internet ay gamit ang nasabing network. Ito ay lehitimong network at protocol, na nananatili hanggang ngayon. Subalit natalo na ito ng mga streaming services, kaya hindi na ganun kalaki ang bahagi nitong Internet traffic. Isa uli yang halimbawa ng pagpili ng mga tao sa mas kombenyenteng alternatibo na magbibigay ng kontrol sa iba, sa halip na manatiling malaya at pribado.
Peer-to-peer Network – panimula – Bitcoin ba kamo?
#Bitcoin is love. Happy Valentine's Day!


Client Server Network at bakit ito iniwasan sa Bitcoin
Isang pag-uuri sa network ay base sa kilos. Ang dalawang klase ng network base dito ay: Client-server at ang peer-to-peer. Pag-usapan natin ang una.Isang pag-uuri sa network ay base sa kilos. Ang dalawang klase ng network base dito ay: Client-server at ang peer-to-peer. Pag-usapan natin ang una.
Client-server Network
Sa ganitong network, ang device ay isa lang sa dalawa ang papel: client o server.
> Client — humihiling ng data mula sa server. Ang work station, personal computer at iba pang devices, sa pananaw ng paggamit sa Internet ay mga clients. Halimbawa, para mapakita ang website, and isang device ay gagamit ng browser para humiling ng data sa web server, para mapakita sa taong nag-iinternet.
> Server — nagbibigay ng data sa client. Karugtong ng naunang halimbawa, ang web server naman ang naglalaman ng data ng isang website, na ibabahagi sa sinumang client na humihiling. Nakatago sa web server ang lahat ng pages ng website. Bawat aksyon ng user sa website ay paghiling ng data sa web server. Mula sa home page, ibibigay ng web server ang tamang web page kapag i-click ng user ang paglipat sa “About us” o “Shop” ng isang website, halimbawa.
Napansin mo ba na halos lahat ng network na sinasalihan mo ay pag-aari ng malalaking kumpanya? Ang mga social networks na pawang normal na sa lipunan ay hawak ng iilang kumpanya. “I-google mo” ay karaniwang sinasabi ng napagtatanungan at hindi agad makasagot. Maiisip mo kung bakit nanaig ang centralized na networks. Ito ay kombenyente. “Sila” na ang bahala magtago ng data sa account mo, gagamit ka nalang.
Centralized - ito ang katangian ng client-server. Ang kontrol ay nasa isa oo iilan lamang. Kombenyente ito para sa pag kontrol ng impormasyon. Mabilis rin ang pagdedesisyon para sa pagbabago sa software, patakaran ng network, atbp. Subalit may panganib ito na single point of failure. Kaya dapat may mataas na seguridad para labanan at pigilan ang atake ng masasamang loob gaya ng pagnanakaw at malware. Mainam ding may back up ang mga data.
Dahil sa dami ng mga clients sa malalaking networks, ang mga servers ay mga malalakas na uri ng computer na kayang makasagot sa milyun-milyong kahilingan. At dapat mas maigting ang seguridad. Hindi lang din data ang may back up, pati mga panggagalingan ng kuryente, para hanggat maaari, tuluy-tuloy lang ang operasyon.
Mahal din magpanatili ng servers. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit gumagawa ng paraan ang mga kumpanya sa likod ng media, mapa social o legacy, para maadik ang mga tao. Kung libre ang account na gamit, talagang hindi mo maiiwasan ang mga ads. Nakikigamit ka na nga eh, diba?
At sa ganung estado na rin ng internet nabuo ang paggamit ng iyong personal na impormasyon at pattern ng paggamit ng mga apps at galaw sa internet, para ma-personalize ang mga ads at interface mo. Para lalo kang magtagal sa paggamit at matuksong bumili!
Napag-usapan natin ang naging lagay ng electronic na salapi sa Kabanata 2. Sa kasalukuyang online banking, shopping at anupang transaksyon, bawat galaw ay mayroon rekord mo. Nawawala na ang pribadong pakikipagtransaksyon na mayroon sa paggamit ng pisikal na salapi. Maaaring napoprotektahan ng kriptograpiya ang daloy ng impormasyon. Pero, merong organisasyon pa rin na nakakakita ng data mo sa bawat dulo.
Hindi lahat ng gamit natin sa internet ay dapat kontrolado ng isang korporasyon, gobyerno, o anumang makapangyarihang nilalang. May mga bagay na dapat pribado.
At salamat sa Bitcoin, nagkaroon ng pagsabog ng interes ukol sa privacy, self-sovereignty at decentralization. Mga interes na matagal nang tinatrabaho ng mga cypherpunks. Buti nalang may uri na ng network para dito.
Iniimbitahan kitang basahin ang kabuuan ng Kabanata 6:
Kabanata 6: Ang Pagpili ng Peer-to-Peer na Network – Bitcoin ba kamo?
Introduksyon sa Networks: Network Topology
Bilang panimulang usapan sa konsepto ng networks, pag-usapan natin ang topology. Ang topology ay ang pagkakaayos ng mga koneksyon ng devices sa network.
Mabilisang pagkukumpara ng Network Topology
Star - ang pag transfer ng data ay dumadaan sa isang central na device, kung saan may kanya-kanyang koneksyon ang bawat kasapi ng network.
Bus - ang mga device ay nakakonekta sa isang cable na tinatawag na bus. At dito lahat ng impormasyon ay nakikidaan parang pagsakay at baba sa tren.
Mesh - Ang bawat device ay nakakonekta sa isa’t isa. Sa tunay na buhay, lalo na kung malaki ang network, partial mesh lang ang topology. Kung saan sa iilan lang konektado ang mga devices, hindi sa lahat. Ganito ang Internet, kung saan naka mesh/partial mesh ang mga routers sa iba-ibang panig ng mundo.
Ring - Paikot ang Koneksyon ng mga devices, kung saan bawat isa ay nakakonekta sa dalawa pa. Sa ganito, ang direksiyon ng impormasyon ay paikot.
Infrastructure - ito ay kombinasyon ng wired at wireless. Ang mga wired ay parang star topology ang pagkakaayos na may central device. Tapos isa sa mga nakakonekta dito ay ang wireless access point na kung saan kokonekta ang ibang devices.
Ad Hoc - ito ay simpleng wireless topology kung saan ang mga devices ay nakakonekta sa isa’t isa gamit ang wireless na feature ng bawat device.
Wireless Mesh - ito ay kapag maraming wireless access points na naka konekta sa isa’t isa. Ang isang access point ay konektado sa modem at switch ng wired. Samantalang ang ibang access points naman ay nakasaksak lang sa power supply. Magpapasahan ang mga wireless access points para matunton ang koneksyon sa internet. Tapos, lahat na ng devices ay kokonekta sa mga wireless access points na malapit sa kanila.
Dahil ang Bitcoin Network ay nakikisakay sa internet, ang topology nito ay Mesh. Ang malalaking peer-to-peer networks na nakadepende sa Internet ay masasabi nating naka Mesh topology.
Tignan ang kabuuan ng diskusyon at mga ilustrasyon sa Kabanata 6 ( na kakalathala lang nung isang buwan.
Kabanata 6: Ang Pagpili ng Peer-to-Peer na Network – Bitcoin ba kamo?
Bakit peer-to-peer?
Pumataas tayo para tignan ang Bitcoin Network. Ang anyo nitong decentralized, distributed at peer-to-peer ay mahalaga para patakbuhin ang sistema ng mga kompyuter na hindi nagtitiwala sa awtoridad ng isa, iilan at ng kahit sino pa mang may kapangyarihan.
Ang unang disenyo ng Internet ay peer-to-peer. Subalit namayagpag ang centralized networks paglaon. Kaya ang pagiging peer-to-peer ng Bitcoin, na Internet Money, ay pawang itinakda ng tadhana.
Bago natin pagtuunan ng pansin ang Peer-to-peer network, pag-aralan natin ng bahagya ang networks at ang Internet.
Ang network ay koneksyon ng mga device para makapagbahagi ng mga data. Nakakatulong ito para dumali at bumilis ang komunikasyon. Mainam din ito para makapagsalu-salo sa mga gamit. Kagaya ng printer sa opisina, maaaring may 1 o 2 nalang na pangmalakasang printer sa isang palapag, sa halip na may personal na printer pa bawat manggagawa.
Ang diskusyong network, patungo sa peer-to-peer na Bitcoin network ang nilalaman ng bagong Kabanata 6: - i click mo iyan para umpisahan ang pagbabasa. Salamat!
Kabanata 6: Ang Pagpili ng Peer-to-Peer na Network – Bitcoin ba kamo?
The success of Bitcoin is an indicator of humanity getting another win. Onward and upward. Happy Bitcoin Genesis day!
Kabanata 6: Ang Pagpili ng Peer-to-peer na Network
Sila: Gaano mo kadalas isipin ang Bitcoin?
Ako: May bagong kabanata na para sa inyo ngayong Pasko!
Kabanata 6: Ang Pagpili ng Peer-to-Peer na Network – Bitcoin ba kamo?
Mga Nakakaaliw na Transaksyon sa Block 777777
Naisipan lang ng may-akda na gamiting laging halimbawa ang block 777777 dahil sa ispesyal ang numero na ito. Subalit sa mabilisang tingin ay kakikitaan agad ito ng mga nakakaaliw na mensaheng nakatago sa mga transaksyon. Tara at maglibang muna sa pagtingin ng mga halimbawa.
Mga Nakakaaliw na Transaksyon sa Block 777777 – Bitcoin ba kamo?
Transaction Fees: 2 Pananaw
Nabanggit na ang libreng transaksyon ay hindi na halos natatanggap ng mga miners. Supply at demand lang ang nagdidikta dito - mas marami nang kasali sa Bitcoin network eh. Kaya ang mga wallets ngayon ay may mekanismo nang pinapatupad sa pagkalkula ng transaction fee. Ito ay automatic na, at makakapili rin ang manggagamit kung mababa o mataas na fee ba ang ibibigay.
Ang mga transaksyon na hindi pa sinasama sa block ay nasa mempool. Ito ay ginagamit na memorya ng Bitcoin node na nagbabagu-bago ang laki dahil sa dagdag-bawas ng kandidatong transaksyon, parang UTXO set.
Sa website na ito: https://bitcoinfees.net/, ipinapakita ang pagtatantsa ng mga fees na satoshi/vbyte. Sinasabi rin kung gaano katagal mo aasahang tanggapin ng mga miners ang transaksyon depende sa halaga. Kapag sobrang baba, baka hindi na! Tandaan na ang pagkalkula ng wallet app ng fee ay depende sa laki ng data ng transaksyon, hindi sa laki ng halaga ng Bitcoin. Kaya ang mga komplikadong script, kahit maliit na Bitcoin lang ang usapan, ay malaki ang kakaining data. O kaya naman ang mga transaksyon na lilikom ng maliliit na Bitcoin sa maraming UTXO para sa input, ay gagamit ng mas malaking data kesa sa isang UTXO lang pero malaki naman ang halaga ng Bitcoin.
Ano ang vbyte? Ito ay virtual byte. Nagkaroon ng komplikasyon sa pagkalkula ng laki ng block dahil sa SegWit soft fork. Ayos lang, dumami naman kapasidad ng block eh. Dati, satoshi/byte ang pinapakitang pagtantsa ng mga fees. Pero ang binagong pagkalkula ng kapasidad ng block ay nagresulta sa pagkakaroon ng depinisyon ng virtual transaction size, kaya nagkaroon na ng unit na virtual byte. Basahin ang mga naturang depinisyon sa BIP-0141.
Uulitin lang natin na ang transaction fee sa mata ng miners ay diperensya ng lahat ng halaga ng Bitcoin sa inputs, at sa outputs (Unang pananaw). Kasi sa pinapasang data ng transaksyon, walang pagsasaad ng fee sa input o output. Pansinin uli sa mga ilustrasyon:
Kaya ang mga wallet ay may sariling algorithm para sa nais mong fee, para lang sa pagkakaintindi mo (Ikalawang pananaw). Pero ang ipapasa lang talagang data ay kandidatong transaksyon na may halaga ng bagong UTXO na sinisiguradong mas maliit kesa sa halaga ng tinatawag na UTXO sa input.
Transaction Fee: 2 Pananaw – Bitcoin ba kamo?
Paano nga ba ang daloy ng tipikal na transaksyon?
Nabanggit noon na: Walang lamang Bitcoin ang pitaka mo. Subalit para makabuluhan ang gamit nito, ang pitaka mo ay hinahanap ang mga transaksyong nagsasaad na sa address mo huling ipinasa ang Bitcoin. Babaguhin nating bahagya ang deskripsyon na iyan. Sa halip na address na pinagpasahan, ang mga UTXOs na tumutugmang pwedeng gastusin ng mga private keys sa loob ng iyong wallet ang pinagsasama-sama para ipakita sa user interface ang halaga.
Ganun din ang konsepto ng block explorer. App din ito na sumisilip sa Bitcoin network at kinakalkula ang mga kondisyong nakasaad sa code para magpakita ng data na mas maiintindihan ng tao.
Ang mga matulunging apps na wallet at block explorer ay maiging madaling naiintindihan ng karaniwang tao, para mapadali ang pagsali sa ekonomiya ng Bitcoin network.
Balikan ang ipinakitang ilustrasyon ng daloy ng transaksyon sa block 170. At idadagdag na natin para sa diskusyon ang ilustrasyon naman para sa block 777777.
Ipagpatuloy ang pag-aaral sa:
Paano nga ba ang daloy ng tipikal na transaksyon? – Bitcoin ba kamo?
Nakakahilo ang pagtaas ng Bitcoin! Nakikiusisa ka na ba dahil dito? Intindihin kung paano magmay-ari ng Bitcoin:
Kabanata 4: Pagmamay-ari ng Bitcoin at ang Wallets – Bitcoin ba kamo?
Panimulang Pagsiyasat sa Tipikal na Transaksyon
Sa bagong post na ito, nanghiram uli ng ilustrasyon sa block explorer para sa 2 halimbawang blocks 170 at 777777.
Makikita na may input at output parehas. Sa kaso ng block 170, walang address na pinapakita, dahil P2PK ang output. Nakandado sa public key mismo ang Bitcoin. Ang unang output ay #0, na nagsasaad ng pagkandado ng 10 Bitcoin sa public key ng receiver. Ang ikalawa ay #1 na nagkandado ng 40 Bitcoin sa public key ng sender (sukli). Subalit may mga wallet na gagawan pa rin ng interpretasyon na address ang mga iyan. Susundin lang ang nabanggit sa Kabanata 4 na encoding para sa legacy address. Pero mas tamang hindi binigyan ng interpretasyong address sa blockstream.info.
Lipat naman ng tingin sa isang napiling transaksyon sa block 777777. Makikita na mas maraming nasasaad sa input, mas komplikado, na pag-uusapan natin sa susunod. Sa output naman, dalawang klase ng pagkandado ng Bitcoin ang naganap. Sa receiver, ang Bitcoin ay nakandado sa kanyang public key hash, isang P2PKH, kaya ang address ay legacy ang anyo (nag-uumpisa sa 1). Ang sukli naman ng sender ay nakandado sa kanyang witness script hash, isang P2WSH kaya mas makabago ang anyo (bc1).
Sa mga ilustrasyon ng wallet at ng block explorer, matutukoy ang pinanggalingan at pinagpasahang mga address. Syempre kita mo rin kung magkano ang binigay at natanggap. Makikita rin kung saang block ito nakasama at kailan.
Subalit alam mo ba na sa loob ng code, ay hindi ganito ang mababasa mo?
Panimulang Pagsiyasat sa Tipikal na Transaksyon – Bitcoin ba kamo?