At may bago na kaming logo!
View quoted note →
Isang taon na ang aming website. Kaya buti nakatapos nanaman ng isang kabanata. Dito sa Kabanata 4 ay pag-aralan natin ang Pagmamay-ari ng Bitcoin at ang Wallets:
Kabanata 4: Pagmamay-ari ng Bitcoin at ang Wallets – Bitcoin ba kamo?
Ang malaking tulong na Cryptographic Hash Functions
Ang cryptographic hash function ay hango sa konsepto ng hash function pero may mas pinaigting na mga pangagailangan upang magamit bilang sandata sa proteksyon ng mga data.
Ang hash function ay ang pag mapa ng mga binary strings na kahit ano ang haba, papunta sa binary strings na may nakapirming haba. Halimbawa, isa sa gamit sa operasyon ng bitcoin ay ang (Secure Hash Algorithm) SHA-256. Ito ay may 256 bits na output, kaya kahit ang input ay blangko lang, isang letra, salita, pangungusap, o talata ang haba: 256 bits pa rin ang output.
Ang pagmamapa sa kontexto ng kriptograpiya ay ang komputasyon sa pagmamanipula ng input, gamit ang iba-ibang operasyon. Ang mga ito ay padding, permutasyon, pagpalit-palit ng posisyon ng bits, lohika, modular arithmetic atbp., depende sa nasasaad sa algorithm ng hash function. Maihahalintulad ito sa block cipher, na may iba-ibang operasyon na ginagamit sa input bits para maiba anyo ng output. Sa katunayan, may mga hash functions na base sa block cipher ang operasyon.
Naaalala mo ang diskusyon tungkol sa bitcoin wallets? Gumagamit iyon ng cryptographic hash function upang makagawa ng bitcoin address. Ginagamit din ang hashing para sa proof-of-work, sa paggawa ng header ng mga bloke ng transaksyon, at sa paggastos ng bitcoin.
Ang hash function na gamit ay kailangang may sapat na seguridad upang:
Mula sa isang hash/output, napakahirap at hindi na praktikal para mahulaan ang input. One-way hash function kumbaga - sa isang direksyon lang sya madaling kalkulahin (input —> output). Madali syempre para sa kompyuter, kasi matagal masyado pag manu-mano.
Maiwasan ang collision. Ito ay ang pagkakaroon ng parehas na output ng magkaibang input. Ang bitcoin address ng mga tao dapat ay magkakaiba. Ang mga block headers ng blockchain syempre dapat iba-iba. At ang paggastos ng bitcoin ay para lamang dapat sa nakasaad na may-ari.
Basahin ang siksik na diskusyon dito:
Ang Malaking Tulong na Cryptographic Hash Functions – Bitcoin ba kamo?
RSA
Ang RSA Problem ay ganito:
- Nabibigay ang mga sumusunod:
- May isang integer n, na produkto ng 2 distinct primes p at q
- Isang positive integer e, kung saan ang gcd(e, (p-1)(q-1)) = 1 (base sa Euler phi function ito: gcd(e, ɸ(n)), at
- Integer c
- Humanap ng integer m, kung saan me ≡ c (mod n)
Ang mga kondisyon sa kung ano dapat ang n at e, ay mahalaga para masiguro na ang bawat integer c ∈ {0, 1, 2, …, n-1} ay may katumbas lamang na isang m ∈ {0, 1, 2, …, n-1}, na magpapatotoo sa me ≡ c (mod n). Sa kontexto ng cryptography, importante ito dahil ang ciphertext na may katumbas na numerong c, ay dapat mayroon lamang isang numerong katumbas na m, na syang representasyon ng plaintext/mensahe.
Dalawang algorithm ang pagdadaanan sa paggamit ng RSA: (1) key generation at (2) encryption.
Key generation (paggawa ng susi):Bawat myembro ng komunikasyon ay gagawa ng kanilang RSA public key at private key. Para magawa ito:
1. Kumuha (random generation) ng 2 malaking distinct primes p at q.
2. Kunin ang n = pq at ɸ = (p-1)(q-1)
3. Pumili ng random na integer e, 1 < e < ɸ, kung saan gcd(e,ɸ) = 1.
4. Kalkulahin ang unique integer na d, 1 < d < ɸ, kung saan ed ≡ 1 (mod ɸ). (Bale ang d ay multiplicative inverse ng e modulo ɸ)
5. Ang public key ay (n, e); at ang private key ay d.
RSA Public-key encryption
1. Encryption:
- Kunin ang public key (n, e) ng pagbibigyan ng mensahe.
- Irepresenta ang mensahe sa anyong integer m na napapaloob sa pagitan ng [0, n-1].
- Kalkulahin ang c = m^e mod n.
- Ipadala ang ciphertext c.
2. Decryption: Para makuha ng tagatanggap ang m mula sa c, gagamitin nya ang kanyang private key d sa komputasyong: m = c^d mod n.
Gumagana ito dahil sa Euler at Fermat’s theorem.
- Dahil ang ed ≡ 1 (mod ɸ), merong integer k na kung saan ed = 1 + kɸ.
- Mula sa Fermat’s theorem: m^(p-1) ≡ 1 (mod p)
- I-raise ang magkabilang panig ng congruence sa k(q-1) at i-multiply ng m ang parehas na panig: m^(1+k(p-1)(q-1)) ≡ m (mod p)
- Makikita sa exponent ng m sa kaliwa na ito ay katumbas ng 1 + kɸ = ed. Kaya, med ≡ m (mod p)
- Gayun din ang kalalabasan para sa modulus q, m^(ed) ≡ m (mod q)
- At dahil ang p at q ay distinct primes, mula sa Euler’s theorem, sumusunod na m^(ed) ≡ m (mod n)
- At sa wakas, c^d ≡ (m^e)^d ≡ m (mod n)
Ang galing noh? Para sa impormasyon ng kompyuter, may paraan dapat na irepresenta ang mensahe sa isang ingeter m. Hindi na natin palalawakin dito kung pano yun gagawin.
Ngayon at nakuha mo na ang konsepto, babanggitin lang saglit ang isang paraan ng assymetric cryptography na gamit sa bitcoin. Sa pagkuha ng public key mula sa private key, gumagamit ng Elliptic Curve Digital Signature Algorithm. Digital signature nanaman - may pag-uusapan muna tayong konsepto bago natin ito balikan.
Ngayon naman ay ipapakilala ang isang simple at eleganteng konsepto na makikita sa asymmetric cryptography, na tinatawag ring public-key cryptography. Nabanggit nang bahagya sa ikalawang kabanata ang konsepto nito nung pinag-uusapan ang digital na pitaka.
Ang public-key cryptography ay gumagamit ng 2 susi: pribado (private) at pampubliko (public). Ang public key ay maaaring ipadala sa hindi sikretong daan, tulad ng ciphertext. At ang private key ay nananatili sa isang user lamang.
Gagamitin ng magbibigay (A) ng mensahe ang public key (e) ng pagbibigyan (B) nya, upang mag-encrypt. Ang ciphertext na ipapadala nya ay made-decrypt ng tagatanggap gamit ang private key (d) nito. Ganun din kung kabaliktaran (B—>A) ang mangyayari.
Ang kalamangan ng pamamaraang ito, ay ang isang user ay merong naitatagong susi na kanya lamang. Para maging epektibo, dapat ang relasyon ng public at private key ay: madaling kunin ang public key mula sa private key. Pero, mahirap makuha ang private key mula sa public key. Nasa may-ari ng private key nakasalalay ang pag-iingat nito. Dahil pag ito nawala, sya mismo ay hindi made-decrypt ang ciphertext.
Maihahalintulad ito sa isang baul at lock. Gamit ang baul at nakabukas na lock ni B, ilalagay ni A ang mensahe sa loob, at isasarado, pati ang lock. Kumbaga ang public key ay ang kombinasyon ng bukas na baul at lock. Ang ciphertext ay ang box na nakakandado. At ang susi ni B ang private key. Pagkasara, hindi na mabubuksan ni A ang lock dahil nakay B lamang ang susi.
At magagawa ang konsepto na ito syempre, gamit ang kapangyarihan ng matematika. Marami sa mga public-key cryptography ay base sa konsepto ng integer factorization problem. Ito ang paghahanap ng prime factors ng isang integer. Halimbawa, ang numerong 65 ay may prime factors na 5 x 13. Sa 98: 2 x 72. Walang shortcut sa pagkuha nito. Kailangan mo lang subukan talaga ang mga posibilidad. Habang lumalaki ang numero, mas humihirap, lalo na kung malalaking prime numbers din ang factors ng isang integer.
Isang popular na public-key cipher ay ang RSA. Madalas itong gamit sa mga internet browser at websites sa kombinasyon ng iba pang cryptography. Dahil na rin nagagamit sa digital signatures ang RSA.
Ang RSA ay ipinangalan kina R. Rivest, A. Shamir at L. Adleman. Para matutukan natin ito, maging pamilyar muna sa mga susunod na konsepto ng matematika: konting number theory.
Basahin ang kabuuan sa:
Asymmetric Cryptography – magpainit muna – Bitcoin ba kamo?
Block Cipher
Sa block cipher ginugrupo ang plaintext sa kada bloke, kaya ang susi ay sinlaki lamang ng bloke. Dahil dito, ang susi ay mas maiksi at mas maliit ang memoryang kinakain.
Pwedeng iba ang haba ng bloke ng plaintext sa susi. Pero dadaan pa rin ito sa operasyon kung saan magtutugma ang haba ng susi at blokeng minamanipula. Kumbaga mayroon lamang inisyal na susi.
Kapag ang huling bloke naman ay kapos sa takdang haba, magdadagdag ng bits sa dulo para sumakto. Ang bits na idadagdag ay base sa operasyon ng block cipher; pwedeng puro 0 lang ang pampuno halimbawa. Ang tawag sa operasyong ito ay padding.
Maraming klase ng implementasyon ng block cipher. Para sa pag-aaral ng konsepto nito, gumamit tayo ng simpleng algorithm lamang.
Masyadong mahaba at maraming ilustrasyon para sa Nostr, kaya kailangan mong ituloy rito:
Block Cipher – Bitcoin ba kamo?
Today, 8/21 is a reminder that Bitcoin is infinity over 21 Million
Stream Cipher
Ang stream cipher ay paraan upang gayahin ang one-time pad sa digital na anyo. Sa halip na gumawa ng isang malaking set, may pamamaraan na ginagamit para ito ay nababago-bago depende sa laki ng impormasyon. Kaya masasabi na ang stream cipher ay nagbabago-bago rin sa oras (time-varying).
Ang pag-encrypt ng mensahe ay ginagawa sa bawat bit. Kumbaga bawat patak ng mensahe ay dumadaan sa encryption.
Halimbawa ng pinaggamitan nito ay video streaming at data sa mga mobile phones.
Simpleng Stream Cipher
Ipakita natin gamit ang maiksing mensahe:
BABA!
Mula sa plaintext, ito ay papalitan natin ng binary:
01000010 01000001 01000010 01000001 00100001
Maari mong tignan dito kung paano nagawa yan:
Ascii Text to Binary Converter
Ascii text to binary converter helps you to encode ascii text to binary number, handy tool to translate ascii text to binary numbers.
Halimbawa, ang keystream na random nakuha ay:
Tama?
Kapag ginawang binary:
01010100 01100001 01101101 01100001 00111111
Pansinin mo ang katumbas na binary ng A at a. Ang MALAKI at maliit na letra ay magkaiba ang katumbas na binary. Magkaiba rin kasi sila ng katumbas na ASCII number.
Ngayon, gamit ang plaintext, keystream at ang konsepto ng exclusive-or, makukuha na natin ang ciphertext:
Plaintext: 01000010 01000001 01000010 01000001 00100001
XOR ( ⨁ bawat bit)
Keystream: 01010100 01100001 01101101 01100001 00111111
Ciphertext: 00010110 00100000 00101111 00100000 00011110
Ang binary ciphertext na nabuo, kapag naging ASCII ay garalgal lamang. Walang ibig sabihin. Subukan mo ilagay yan sa nabanggit na text converter site kanina, at makikita mong walang kahulugan. Kaya dapat magkaroon ng kopya ng susi ang tagatanggap ng mensahe, para maibalik ang ciphertext sa plaintext. Mula sa anyo na binary maibabalik sa ASCII ito. Sa tagatanggap, baliktad lamang ang posisyon ng Ciphertext at Plaintext sa talaan:
Ciphertext 00010110 00100000 00101111 00100000 00011110
XOR ( ⨁ bawat bit)
Keystream 01010100 01100001 01101101 01100001 00111111
Plaintext 01000010 01000001 01000010 01000001 00100001
Ito ay simpleng pagpapakita lamang kung paano ginagamit ang Stream Cipher. Mayroon pang mga komplikasyong idinaragdag upang mas mahirap para sa hackers na mahulaan ang mensahe.
Keystream generator
Gamit ang matematika, makakatipid rin tayo sa memorya ng computer. Sa halip na mag-imbak ng pagkarami-raming impormasyon, gagamitan lang ng formula upang makagawa ng susi pag kailangan. Halimbawa nito ang algorithm na gamit para sa keystream generator.
Depende sa haba ng mensahe, ganun din kahaba ang keystream. Ang keystream generator ay gumagamit ng mas maiksing susi sa umpisa, na syang ginagamit para makabuo ng mahabang susi pang encrypt ng plaintext. Ito ay mainam na paraan para makatipid sa memorya. Ang inisyal na susi ay tinatawag na seed (parang buto na pinagsisibulan).
-----
Kung may naisip kang mga karagdagang eksplanasyon, mag comment lamang sa baba.
Konting dagdag sa kaalaman: Exclusive-or
Pag-usapan muna natin ang konsepto ng Exclusive-or, na madalas gamitin sa isang klase ng symmetric cryptography: stream cipher.
Sa lohika (logic), merong tinatawag na connective. Ito ay function kung saan may input na isa o maraming truth values - bale True at False lang naman pwede - at nagbibigay ng isang truth value bilang output.
Isang uri ng connective ay ang OR. Sa OR, kapag ang kahit isa sa mga input ay True, ang output ay True. Kapag lahat ay False, saka lamang magiging False ang output. Tignan natin sa anyo ng talaan kung paano ginagamit ang OR.
A B A OR B
T T T
T F T
F T T
F F F
Ang mga simbolo ng OR ay: | (A | B), ∪ (A ∪ B), ∨ (A ∨ B)
Mas madalas gamitin o matagpuan ang OR, kaya natin ito binanggit muna. Pag-usapan naman natin ang Exclusive-or na may daglat na XOR.
Sa XOR, ang output ay True kapag isa lamang sa dalawang kondisyon o input ang True. Kapag parehas na False, o parehas na True ang input, ang output ng XOR ay False. Tignan natin sa talaan na ito:
A B A XOR B
T T F
T F T
F T T
F F F
Ang simbolo ng XOR ay: ⊕
Bago tayo umusad, ipakita natin ang XOR sa anyo ng binary: 0 at 1, na syang gamit sa computer science. Sa binary, ang 1 ay True, at ang 0 ay False.
A B A ⊕ B
1 1 0
1 0 1
0 1 1
0 0 0
Mula dito mapag-uusapan na natin ng diretsahan ang stream cipher. Subalit kung bitin ka, dumiretso na sa Kabanata 3!
Konting dagdag sa kaalaman: Exclusive-or – Bitcoin ba kamo?
Makabago, o Modern Cryptography - Introduksyon
Tumalon na tayo sa makabago o modern cryptography. Upang maging epektibo ang cryptography sa panahon ng mga computer - mabibilis na computer - kailangan natin ng kapangyarihan ng matematika. Sa katunayan, nahuhulaan ang mga nabanggit na tradisyonal na cipher gamit ang matematika. Pero kailangan natin ng mas akmang solusyong matematika para sa panahon ngayon.
Maaaring hatiin sa dalawang (2) klase ang cryptography: symmetric at asymmetric.
Symmetric - Sa klaseng ito, ang susi gamit para itago ang mensahe ay sya ring susi para mabunyag ito. Kaya ang 2 partido ay dapat alam ang sikreto. Ang mga tradisyonal na cryptography ay symmetric.
Asymmetric - ito ay gumagamit ng pares ng susi: pampubliko (public key) na maaring malaman ng iba, kahit ng mga tsismoso o masamang loob; at pribado (private key) kung saan ang may-ari lang ang dapat makaalam nito. Natatandaan mo yung pinag-usapan natin ukol sa bitcoin wallet at mga transakyon? Ito ang klase ng kriptograpiyang ginagamit sa operasyon nun.
Bibigyan muna kayo ng ideya gamit ang 2 ilustrasyon:
Makabago, o Modern Cryptography – Introduksyon – Bitcoin ba kamo?
Sa symmetric cryptography, ang susi ay alam dapat ng 2 partido. Kaya ang pagpasa ng kaalaman nito ay dapat sa sikretong paraan. Ang ciphertext ang pinapasa sa walang seguridad o pampublikong daan.
Ang pag encrypt at decrypt ay parehas ng konsepto sa tradisyonal na cryptography. Yun lamang, gamit ang kapangyarihan ng matematika at kompyutasyon para maipatupad sa digital na paraan.
Ang asymmetric, na tinatawag ding public-key cryptography, ay gumagamit ng 2 susi: pribado (private) at pampubliko (public). Ang public key ay maaaring ipadala sa hindi sikretong daan, tulad ng ciphertext. At ang private key ay nananatili sa isang user lamang.
Gagamitin ng magbibigay (A) ng mensahe ang public key (e) ng pagbibigyan (B) nya, upang mag-encrypt. Ang ciphertext na ipapadala nya ay made-decrypt ng tagatanggap gamit ang private key (d) nito. Ganun din kung kabaliktaran (B—>A) ang mangyayari.
Sa susunod ay tututukan natin ang Symmetric Cryptography. Subalit gaya ng aming pagpapaalala, maari kang mag-aral na ayon sa iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagbasa ng Kabanata 3:
Kabanata 3: Cryptography – Bitcoin ba kamo?
Simple o Tradisyonal na Cryptography - libang-libang muna
Simple o Tradisyonal na Cryptography – Bitcoin ba kamo?
Caesar Cipher
Ito ay isa sa pinakasimpleng anyo ng encryption, na tinatawag ding shift cipher. Ito ay ipinangalan kay Julius Caesar dahil ginamit nya ito sa mga pribadong pag-susulatan.
Ang bawat letra ay binibigyan ng katumbas na ibang letra sa pamamagitan ng pag-usog (shift) ng ilang posisyon base sa pagkakasunud-sunod ng alpabeto.
(Tignan ang naka link na blog para makita ang mga halimbawa.)
Simple Substitution Cipher
Ang susunod na uri ng encryption na titignan natin ay ang tinatawag na simple substitution cipher. Sa pamamaraang ito, ang tagapadala at ang tagatanggap ay may pinagkakasunduang permutasyon ng mga letra. Ibig sabihin nito, pipili ng isa sa mga posibleng pagkakahelera ng letra na itutumbas sa normal na pagkakasunud-sunod ng alpabeto. Mas maigi na random ang cipher. Pero pwede rin gumamit ng susing salita sa unahan, saka ihahanay ang mga natitirang letra na wala doon.
(halimbawa sa link)
Vigenère Cipher
Ang klase ng cipher na ito ay polyalphabetic. Ibig sabihin, nag-iiba iba ang katumbas ng isang letra sa plaintext, papuntang ciphertext.
Ang Vigenère Cipher ay parang kombinasyon ng maraming Caesar Cipher
(halimbawa sa link)
One-time Pad
Sa tradisyonal na cryptography, ang One-time pad ang imposibleng mahulaan basta nasusunod ng tama. Ito ay substitution cipher kung saan:
- Singhaba ng susing salita o cipher ang plaintext
- Ang susing salita ay random talaga ang pagkakakuha
- Ang susing salita ay gamit isang beses lamang. Bawat bagong mensahe ay may ibang susing salita na kukunin.
Makikita mong mahirap gamitin ang One-time pad base sa mga dapat sundin. Lalo na kung mahaba ang mensahe. Malamang hindi mo na kayang tandaan ang random na susing salita. Hindi na ito salita, sa totoo lang.
Marami pang mga tradisyonal na cipher, na hindi na natin pag-uusapan. Makikita na sa paglalaro ng alpabeto umiikot ang mga tradisyonal na cipher. Epektibo sila sa panahon ng manu-mano. Sa panahon ng elektrical at mekanical na mga gamit, madali nalang mahulaan ng masamang loob ang mga cipher, maliban sa One-time pad. Lalo naman sa panahon ng mga computer. Kaso, napakahirap, kung hindi imposible, tandaan ang susing salita o cipher para sa One-time pad. Kailangan isulat o gumamit ng mga storage device. Pero problema mo naman ang maingat na pag-aabot nito.
At paano naman ang matipid na pagpapasahan ng mensahe ng mga taong magkalayo? Kailangan natin ng solusyon na hindi mabigat para sa mga tao ang trabaho ng pagpapasahan ng sikreto, at akma sa panahon ng mga computer at Internet.
Intindihin natin ang Kriptograpiya!
May bagong kabanata na naman sa ating aklat na binubuo! Ito ay tumatalakay sa kriptograpiya – cryptography. Grabe, mahigit isang taong bakanteng oras din ang ginugol para lang mabuo ito.
Tayo ay lumihis pa uli, bago pag-usapan ang bitcoin. Tignan natin ang cryptography (kriptograpiya), na isang mahalagang pag-aaral sa panahon ng impormasyon.
Ang bitcoin ay gumagamit ng konsepto ng public-key cryptography, elliptic curve cryptography, cryptographic hash functions at digital signatures. Teka, ano? Bumalik muna tayo sa basic – mahaba-haba ito!
Ang cryptography ay ang agham at sining ng pagtatago ng mensahe para sa seguridad ng impormasyon. Maaaring sintagal na nito ang sining ng pagsusulat.
Ang konsepto ng cryptography ay:
Plaintext (mensahe) >> Encryption >> Ciphertext (hindi maintindihang anyo) >> Decryption >> Plaintext (mensahe)
Pangangailangan ng Cryptography
Maihahalintulad natin ang mga kondisyon kung san nabuo ang cryptography sa pangangailangan ng pera. Habang lumalaki ang populasyon, dumadami ang hindi mo kakilala. May mga mensahe ka na hindi kelangan malaman ng iba. Sumibol din ang politika, kapangyarihan, digmaan, atbp. na nakadagdag sa pangangailangan at pagsulong ng cryptography dahil sa sitwasyon na marami kang hindi kasundo. Isipin mo ang mga magkakalaban sa digmaan: paano magbibigay ang heneral sa kanyang mga kapitan na nasa ibang lugar, ng mahalagang mensahe na hindi nalalaman ng katunggali?
-----
Pag-usapan natin paunti-unti mula simple hanggang komplikadong antas ang kriptograpiya. Pero tulad ng mga nakaraan, maaari mong diretsuhin ang pag-aaral ayon sa iyong kakayahan, sa pamamagitan ng pagbasa ng buong Kabanata 3!
Kabanata 3: Cryptography – Bitcoin ba kamo?
At iniimbitahan ang mga bisita sa post na ito na mag-ambag ng kaalaman. Magbigay lang ng komento sa baba.
Kitakits sa ika-10.
It's good to understand the origin and evolution of money so we can better choose its future. Then ask:
- How will electronic money be desirable?
- Would you trust the government to create this?
- What type of electronic money will you accept: easy or hard to form? With infinite supply, or capped?
#Bitcoin
Konting Kasaysayan ng Pera
Ang rebolusyong pang agrikultura, na nangyari mahigit 12,000 taon na ang nakalipas ay naging daan upang mag-umpisa ang sibilisasyon. Sa kapasidad ng mga tao magsama-sama, lumaki ng lumaki ang mga komunidad hanggang nabuo ang mga siyudad.
Habang lumalaki ang populasyon, humihirap panatiliin ang barter. Hindi lahat ng produkto o pag-aari mo ay gusto ng iba para ipagpalit ang meron sila na nais mo. Lalo na kung nakikipagpalitan ka sa hindi mo kakilala. Isipin mo, kung napakarami mo nang plato, tatanggapin mo pa ba itong bayad sa iyo? At gaano naman kadali para sa iyo makahanap ng gugustuhin ang plato para sa ibang nais mo, tulad ng pagkain, itak, o tsinelas? Ganun din ang iyong serbisyo. Kung tutulungan mong magtanim ang mga kapitbahay, natural lang na gusto mo rin makihati sa ani. Pero kung tumutulong ka gumawa ng bahay, hindi naman ang makibahay ang gusto mong kapalit, di ba? Di ka naman nila kamag-anak.
Para makapagtulungan ang mas malaking populasyon, kailangan ng isang bagay na gusto o pinahahalagahan ng lahat - kahit di kayo magkakakilala. Ang bagay na ito ay pwedeng ipagpalit sa kahit ano. Sa pangangailangang ito nabuo ang pera.
Ang pera ay imbensyon ng tao. Marami itong naging anyo, at ang konsepto ay may kanya-kanyang pinagmulan sa mga sibilisasyong nakakalat sa mundo. Iba-iba rin ang anyo ng mga sinaunang salapi, depende sa likas na yaman ng lugar.
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pera na ginamit sa kasaysayan:
- Cowry shell - ginamit sa mahigit kumulang 4,000 taon sa Africa at Asya
- Barley - ginamit sa Sumer mga 3,000 BC
- Mina at Shekel - sukat ng pilak na ginamit sa Ebla (sa kasalukuyang Syria), mga 2500 - 2250 BC
- Ginto at Pilak (gold and silver) - sa Ehipto at Mesopotamia mga 3,000 BC ginamit ang mga bareta ng ginto. Sa kalaunan, ginamit ito sa anyo ng coins, kasabayan ng pilak. Hanggang ngayon, ang ginto ay kinikilala pa ring anyo ng pera sa buong mundo. Subalit mas naging investment nalang ito, sapagkat hindi ito madaling ipalipat-lipat tulad ng papel na salapi, at kalaunan elektronikong pera. Ganun din ang pilak, pero nananatiling mas mababa ang halaga nito.
- Piloncitos - maliliit na ukit na butil ng ginto, ginamit sa ilang lugar sa Pilipinas, sa pagitan ng ika-9 at ika-12 siglo.
- Tanso (bronze) - Sa anyo ng maliliit na molde, ginamit ito sa Tsina mga ika-7 hanggang ika-3 siglo BC
- Papel na salapi - ang konsepto ay nagmula sa Tsina na ginamit noong ika-10 hanggang ika-15 siglo. Ang papel na pera ay unang ginamit sa Europa nung ika-17 siglo
Mainam na tignan nating may pera, at may sistema ng pera. Ang sistema ng pera ay napagtitibay dahil sa tiwala ng tao na ang ginagamit na salapi ay maipagpapalit nya sa mga bagay na kailangan nya ngayon o sa hinaharap. Hanggat ang salapi ay kanais-nais, mayroon itong halaga. At kagaya ng law of supply and demand, tumataas ang halaga ng pera kung mas marami ang nagnanais rito, kumpara sa dami nito sa sirkulasyon. Ang sistema naman ay lumalakas habang dumarami ang naniniwala sa halaga, at tumatanggap ng salapi.
Dapat nating tandaan na ang sistema ay maaaring manghina o masira kapag nawala ang pagnanais ng mga tao sa gamit na salapi. Kapag napadali ang produksyon ng pera, na magdudulot ng mataas na bilang nito, mababawasan ang pagkakanais ng mga tao rito. Mababalewala ang halaga nito dahil hindi na ito problemang hanapin. Kumbaga, kapag malaki ang hirap at enerhiyang katumbas ng pagkuha ng pera, mataas ang tsansang maging kanais-nais ito.
Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Subalit dahil sagana ang planeta natin rito, hindi sya mahal sa merkado. Sa isang banda, ang ginto ay hindi naman nakakain. Palamuti lang ang gamit dito sa libo-libong taon ng kasaysayan ng tao. Nito lamang nagkaroon ng ibang mahalagang gamit ang ginto: sa electronics. Pero dahil mahirap syang makuha, mahal ang presyo nito.
Kumpara sa ginto at pilak, ang papel na salapi ay mas maiksi ang kasaysayan. At may panganib na kalakip ang paggamit nito: ang tukso na mag print ng sobra. Ilang beses nang nagkaroon ng pagbagsak ng halaga ng papel na salapi dahil dito (tinatawag na inflation). Nangyari ito sa Tsina noong ika-15 siglo. Ang Alemanya nung 1923 sa ilalim ng Weimar Republic ay nakaranas ng hyperinflation, o matindi at mabilisang pagbagsak ng halaga ng salapi. Nangyari ito sa Zimbabwe nung 2007 at sa Venezuela kamakailan lang mga 2016-2018.
Ang papel na salapi ay dating mga pangako ng katumbas na ginto o pilak (promissory notes). Pero ngayon, wala na ang pangakong ito. Kumbaga, mandato nalang sya ng mga gobyerno. Pawang sistema na lamang ang naiwan, at hindi ang kanais-nais na salapi. Ito’y mahalagang konsiderasyon sa uri ng perang gagamitin para sa makabagong panahon. Hanggang kailan mo ba kayang pagkatiwalaan ang gobyerno ng bansa mo?
Ang ginto ay nananatiling mataas ang halaga dahil hindi ito sindaling paramihin ng perang papel. At sa dami nang naminang ginto, kaunti nalang ang naidaragdag sa supply nito sa paglipas ng panahon. Kaso nga lang, hindi sya madaling ilipat lipat. Lalo na sa pamantayan ng panahon ngayon, na marami nang napabilis na proseso sa pamumuhay ng tao. Sa tingin mo, ano ang hinaharap ng salapi?
Napasilip nung ika-10 ang pirmahang nagaganap upang mapasa ang Bitcoin. Hanggat hindi mo ito binibigay sa iba, sa iyo ang Bitcoin na iyon. Ang mga bitcoin na hindi pa ginagastos ay tinatawag na “unspent transaction output” (UTXO). Maraming UTXO sa blockchain at yung mga para sayo ang hinahanap ng digital na pitaka para magpakita ng kabuuang bitcoin mo, gaya ng nabanggit sa naunang seksyon. Dahil iba-iba ang pinanggalingan at halaga, bawat UTXO ay kakaiba. At pwede nating sabihin na ang iba-ibang UTXO na nakasaad na para sa address mo, na ang pribadong susi mo lamang ang pwedeng gumastos, ay ang kanya-kanyang anyo ng bitcoin mo.
Sa kontexto ng bitcoin, ayan ang electronic na salapi. Ang hirap nitong intindihin noh? At pawang mahirap tanggapin. Pero baka makatulong kung titignan natin saglit ang kasaysayan ng pera. Pag-usapan natin sa susunod, o basahin mo na ang Kabanata 2 ng aklat.
-----
Kitakits sa ika-10
Bitcoin ba kamo? – Intindihin natin ang Bitcoin
Transaksyon sa Bitcoin - Pasilip
Ang pinakaunang transaksyon sa bitcoin network, ay ang pagbuo ng unang mga bitcoin (unang pagmimina). Lahat ng bagong bitcoin ay nabubuo sa isang espesyal na transaksyon na tinatawag na coinbase transaction. Ipapaliwanag pa natin ito sa mga susunod na kabanata.
Bukod sa coinbase transaction, lahat ng pasahang nagaganap ay mga normal na transaksyon. At ang transaksyong nakasaad na para sayo ang pinakamahalaga, dahil iyon ang bitcoin mo. Napaliwanag na sa naunang post na nananatiling nasa blockchain lang ang bitcoin. Pinagpapasa-pasahan lang ang permiso ng paggastos ng iba-ibang halaga.
Pag magbabayad o mamimigay ka ng bitcoin sa iba, pipirmahan ng iyong private key ang mensahe na nagsasabing pinapasa ang isang halaga ng bitcoin para sa iba. Ito ay gumagamit ng hash (isang mahika ng matematika!) ng: naunang transaksyon + public key ng bagong may-ari. Saka naman ito pipirmahan ng private key mo. Yung kabuuang iyon ang transaksyon. Mapapatunayan ng iba na totoo ang transaksyong ito gamit naman ang iyong public key. Tapos, mapapabilang na ito sa isang block na ipapakalat sa network na idadagdag sa blockchain. Ganito ang nangyari sa mga naunang transaksyon bago makarating sayo.
Nasaan na ang bitcoin address na pinagpasahan mo? Ito ay ginawang representasyon lamang ng digital wallet, para hindi makita ng nagpapasahang mga tao ang public key ng isa’t-isa. (At para na rin maunawaan natin ang nagaganap.)
-----
Ang post na ito kasama ang ilustrasyon ay makikita sa
Transaksyon sa Bitcoin – Pasilip – Bitcoin ba kamo?
Mag comment lang pag tingin mo ay may maiaambag kang kaalaman at paglilinaw. Kitakits sa ika-21.
Bitcoin is the Zero to One moment in Digital Currency/Internet Money.
Digital na Pitaka sa Bitcoin - walang lamang pera?
Sa kontexto ng Bitcoin, ang digital na pitaka (digital wallet) ay application (app) o software sa ibabaw ng network na naglalaman ng mga susi at address. Ang address ang pinapaalam sa iba para tumanggap ng bitcoin, at sya ring nagsasaad kung saan nanggaling. Ang susi naman ang may permiso para gastusin ang nasasaad na bitcoin sa isang address. Ang susi ay nakatago, at hindi mo dapat ibigay sa iba. Parang bahay na may hulugan ng sulat. Pwede itong makatanggap ng sulat, subalit ang may hawak lang ng susi ang pwedeng magbukas sa hulugan para magamit ang laman nito. At kapag may nagnakaw ng susi mo, may ibang pwedeng kumuha ng nilalaman ng hulugan.
Pero hindi lang isang susi ang gamit sa bitcoin.
Ang susi ay nahahati sa 2 klase: private key (pribadong susi) at public key (pampublikong susi). Ang private key ang ginagamit para hanguin ang public key. At ang public key ang ginagamit para gumawa ng bitcoin address. At ang address lamang ang pinapakita ng wallet sa mga user (manggagamit/may-ari/tagatanggap) para mapagpasahan ng bitcoin. Sakabilang banda, ang pampublikong susi ay di nakikita ng user, pero nasisilip ng pitaka mo at ng pitaka ng iba. At ang pribadong susi ay nakatago at alam lamang ng wallet mo, hindi ng iba.
Ang private key ang pumipirma, para bigyan ng permisong magastos ang bitcoin mula sa isang address. Nabanggit kanina na ang public key ay ginagamit para gumawa ng address. Ang isa pang gamit ng public key ay para mapatunayan na ang private key nga ang ginamit para pirmahan ang transaksyon. Sa parehong sitwasyon, hindi nalalaman kung ano ang private key. Hindi na natin muna ipapaliwanag kung pano ito nangyayari. Komplikado ang matematikang gamit dito, parte ng cryptography. Sa ngayon, paniwalaan muna natin na:
Pribadong susi ==> Pampublikong susi ==> Bitcoin address
Kung saan:
==> = Mahika ng matematika! - at sobrang hirap kalkulahin pabalik ito, kaya halos imposible malaman ang public key mula sa bitcoin address, at ang private key mula sa public key.
Pag-uusapan natin ang mahika ng matematika na ito sa kabanata ukol sa kriptograpiya.
Walang lamang bitcoin ang pitaka mo. Subalit para makabuluhan ang gamit nito, ang pitaka mo ay hinahanap ang mga transaksyong nagsasaad na sa address mo huling ipinasa ang bitcoin. Tapos, kinakalkula ng pitaka mo ang kabuuan para ipakita sa harap mo (user interface ng wallet). Ginagawa lang iyon ng pitaka para maintindihan mo na ganun karami ang pwede mong galawin.
Kung ganun, nasaan ang bitcoin? Nasa blockchain.
Digital na Pera - palagay ka ba sa estado nito ngayon?
Sa panahon ngayon, nasasanay na rin naman ang mga tao sa digital na salapi, na parang wala na ring saysay ang mga denominasyon. Basta hangga’t dalawang decimal places ang pwede i-display na numero, dahil ang pinakamaliit na denominasyon ay 1 sentimo (na sa panahon ngayon, ay wala na ring pisikal na kaanyuan sa Pilipinas). Una may mga debit at credit cards na pinapadulas, sinusuot o itatapat nalang sa mga card readers. Malalaman mo nalang sa kompyuter o smart phone mo kung magkano pa laman ng account mo (o mas malala, magkano naging utang mo dahil sa paggamit ng credit card). Dahil sa online banking at e-wallets, kahit hindi na rin gamitin ang mga plastik na cards na yan.
Pero makalimot man tayo, nanatiling representasyon ng pisikal na salapi ang mga numerong nakasaad sa ating account sa bangko. At kung gustuhin natin, dapat ay makukuha ang nasasalat na anyo ng pera mula sa bangko pag nag-withdraw. (Dapat ha, pero ibang usapan pa ang ginagawa ng mga bangko na “fractional reserve.”)
Paano kung ang salapi ay purong electronic? Paano mo pagkakatiwalaan ang numerong nakikita sa iyong digital na pitaka? Maaaring nakaranas ka na ng transaksyon na hindi tumuloy. Kailangan mo pa ireklamo sa bangko para mabalik ang pera mo. At paminsan-minsan nakakarinig pa ng balita ng mga hacking sa bangko.
-----
Ang paksang ito ay napapaloob sa ikalawang kabanata ng
Aklat – Bitcoin ba kamo?
Magbigay ng komento kung gusto mong makatulong bigyan ng edukasyon ang mga Pinoy ukol sa Bitcoin.
Tala Ukol sa 'Pagmimina' ng Bitcoin
Ang dami ng bagong bitcoin na namimina ay may hangganan. Kulang-kulang dalawampu’t isang (21) milyong bitcoin lamang ang pwedeng mamina bilang insentibo. Sa ngayon, malaking porsyento ng 21 milyon ay namina na. Ito ay dahil dinisenyo ang programa kung saan ang dami ng bagong bitcoin na binubuo ay nangangalahati kada 210,000 blocks (halos 4 na taon). Nagsimula ito sa 50 bitcoin na papremyo kada block. Tapos nangalahati sa 25, tapos 12.5, atbp. At itinakda na animnapu’t apat (64) na beses lamang pwede kalahatiin ang pag-isyu ng bagong bitcoin. Kaya balang araw (sa taong 2140), titigil na ang pagbuo ng bagong bitcoin. Lilipas rin ang ‘pagmimina’. Sa panahong iyon, ang insentibo o premyo ng mga sumasali sa proof-of-work ay mula na lamang sa transaction fees.
----
Mag-ambag ng mga kaalaman sa bitcoinbakamo.xyz