Magulong Isipan
Ni John
Minsang inisip kong di dapat isipin ang mga isipin,
Na di ko maisip na kayang isipin ng isip kong angkin!
Sa pag iisip ko'y aking naisipang pag isipan na rin,
Kung maiisip kong pag isipang tunay ng isip na magaling!
Habang iniisip ang mga isipin ay naisipan ko,
Huwag nang mag isip upang ang isapa'y hindi na malito,
Di ko naisipang kung di ko isiping pag isipan ito,
Ay di maiisip na di ko naisip na nag isip ako.
Magulong isipang hindi nag iisip ng isipang tama,
At sa pag iisip sa mga isipin ay nababahala,
Lubos mang isipin na pinag isipan ang kilos at gawa,
Di mo maiisip sa rurok ng isip kung nag isip ka nga!
