Sabi nila nakakaiyak daw to pero pinanood ko to kanina, pero hindi ako naiyak. Manhid na ba ako? π
Pero ang pinakatumatak sa akin ay yung sinabi ni Gerald kung bakit siya huminto sa law school. Sabi niya, hindi na para sa kanya ang buhay niya.
At na-realize ko, ganoon talaga kapag naging magulang ka. Hindi na lang tungkol sayo ang bawat desisyon. Hindi mo na puwedeng unahin palagi ang sarili mo o ang mga pangarap mo, dahil may buhay nang umaasa sayo.
At kahit mapagod ka, hindi ka rin basta puwedeng sumuko. Kasi may maliit na taong naniniwala sayo at umaasa sa'yo araw-araw.
#wonderfulnightmare
