Piang25's avatar
Piang25
piang25@bchnostr.com
npub1y8dk...ftqh
💕BenTe SinKO💕
Piang25's avatar
Piang25 2 days ago
ANG WAKAS :( Ang dami kong gustong sabihin sayu pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Siguro ito na ang paraan ko para tuluyan kang palayain. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko na. Mahirap palayain ang taong minahal mo nang buong puso. Yung taong nagiging kakampi mo sa lahat. Yung taong nasasandalan mo sa lahat ng pagsubok. Yung taong nagpaparamdam sayu na mahalaga ka at ka mahal mahal ka. Ikaw ‘yon sakin. At ngayon isa ka nalang alaala. Isang magandang alaala na dala ko habang unti unti akong natutong mahuhay na wala ka. Hindi ko ipinagkakaila na may mga araw pa ring ikaw ay maalala, sa mga oras na inilaan para sa isat isa, sa mga gabing ako lang ang kausap, sa mga pangarap na sabay nating binuo. Pero natutunan ko na rin na may mga bagay talaga na hindi itinadhanang magtagal, kahit gaano pa natin kagustong paghawakan. Salamat sa lahat, sa mga tawa, sa late night talks, sa tahimik na suporta, pati sa mga away na nagturo sa atin nang mga aral. Ipinadama mo sa akin ang isang pagmamahal na malalim at totoo kahit sa ikling panahon. At siguro kaya ganito ka sakit….dahil totoo ang lahat sa atin. Pero hanggang doon nalang tayo….. Siguro pinagtagpo lang tayo para magkasalubong, hindi para sabay maglalakad haggang dulo. At ayos lang ‘yon. Kahit hindi ikaw ang naging ending ko, mananatili kang bahagi ng kwento ko, ang bahaging nagturo sa akin kung paano magmahal nang walang pag-iingat, nang buong-buo. Sana maayos ka palagi. Sana matupad mo lahat ng pangarap mo. At kung hindi pa man, sana patuloy ka pa ring lumalaban, isang araw sa bawat pagkakataon. Kilala kita, kapag may gusto kang abutin ginagawa mo ang lahat para makuha mo ‘yon. Lagi akong naniniwala sa’yo. Ako? Masasabi kong okay na ako🥹. Tanggap ko na ang sitwasyon natin at ang tadhana na pinili natin. May mga sugat na peklat na lang ngayon, hindi na masakit, pero may alaala. At masaya na rin ako, sa tahimik na paraan. Ito na ang huling closure ko, hindi para kalimutan ka, kundi para tuluyan ka nang palayain. Para tanggapin na ang sa atin ay naging magandang storya kahit hindi pang habangbuhay. Mahal pa rin kita bilang nakaraan ko, pero sa paraang hindi na humihingi nang kapalit. Hindi na para balikan, kundi para pasalamatan. Kaya salamat at paalam. Hindi dahil may galit kundi dahil may kapayapaan na. Hanggang dito na lang tayo. May lugar ka pa rin sa puso ko, nakatago, tahimik, at puno ng pasasalamat. Sa ibang buhay, baka pwede. Pero sa ngayon dito na nagtatapos ang kwento natin... Makulimlim na hapon ! Kamusta na kagigising lang ni enday mula sa pagkakahimlay.... BCHNostr Fam!!!
Piang25's avatar
Piang25 2 days ago
Dati pera lang binabudget ko! Pero ngaun pati pasensya na rin😁 Yessss uwian na two and half hours overtime not bad,buti ng may overtime kasi baka mamaya wala na naman akong pasok hays buti na lang may BCHNostr na malaking tulong din sa akin para may extra income pa ehe. Naabutan ko rin si kuya na nagtitinda ng pandesal kaya bumili narin ako two flavor ung pandesal niya cheese and malunggay,malunggay flavor ung binili ko sasabayan ko ng kape bago matulog hahaha huwag niyo na hanapin yung picture ng kape kasi titimplahin ko palang hahaha ayun lang.... Have a great day ahead BCHNOSTR FAM🙂
Piang25's avatar
Piang25 2 days ago
Good morning everyone Lets make some BCHNostr ayeahh Special thanks to Mr. @Prime Architect for the zapped Lets make chismiss na hahaha whats ur almusal guys??? Coffee🥰
Piang25's avatar
Piang25 2 days ago
No matter how kind or generous you are you can never satisfy an ungrateful person. Hello BCHNostr fam just drop by ☺️ Because im having one hour break from, work so i have a little time here yeahhh... Hows your day or night??? Still awake or sleeping already yay paano sasagot if tulog na nga HAHAHA GOODMORNIGHT😚😚