3 boundaries na dapat matutunan ng mababait na tao.
Una,
hindi lahat ng problema,
responsibilidad mong ayusin.
May mga tao kasing
kapag nakita nilang lagi kang available,
lahat nalang ibabagsak sayo.
Emotional burden.
Problema sa pera.
Stress nila sa buhay.
Hanggang sa mapapansin mo…
ikaw na yung laging pagod.
Nangyari sakin yan dati.
Akala ko kasi,
kapag mabait ka,
kailangan lagi kang present.
Kailangan lagi kang umintindi.
Pero may panahon na
kahit sarili mong problema,
hindi mo na maharap
kasi ubos ka na kakabuhat ng iba.
Pangalawa,
matutong humindi
kahit hindi sila masaya.
Hindi lahat ng “oo”
kabaitan.
Minsan fear lang siya
na baka magalit sila
o iwan ka nila.
Na-realize ko yan
nung halos wala nang matira sakin.
Oras ko.
Pera ko.
Energy ko.
Tapos kapag ikaw naman
yung may kailangan,
nahihiya ka nang magsalita.
Pangatlo,
protektahan mo yung peace mo.
Hindi dahil tahimik ka,
kailangan tiisin mo lahat.
May mga tao talagang
sanay lang na ikaw yung umiintindi.
Kaya nung nagsimula
kang mag set ng boundaries,
parang ikaw pa yung nagbago.
Pero totoo lang…
minsan kailangan yun
para hindi mo tuluyang
makalimutan sarili mo.
Hindi selfish
ang magpahinga.
Hindi masama ang
unahin ang mental health.
Hindi ka naging masamang tao
dahil lang natuto kang
magtira para sa sarili mo.
Mababait na tao rin
napapagod.
At minsan,
ang pinaka kailangan nila
ay hindi mas malaking puso.
Kundi mas malinaw na boundaries.
Kung may nakuha kang value dito,
o may part na naka-relate ka,
follow mo ako.
Baka makatulong ako sa journey mo. 😊
#BCHNostr

