Peanutzz's avatar
Peanutzz
npub1q8z9...ra5w
👋
Peanutzz's avatar
Peanutzz 7 hours ago
3 bagay na kailangan mong baguhin kung gusto mong makaipon Hindi ka naman gastador. Sa totoo lang, maingat ka pa nga eh. Pero bakit parang ang hirap pa rin mag ipon? Every cutoff… may pumapasok. Pero after ilang araw… wala na ulit. Hindi dahil kulang ka sa disiplina. May tatlong bagay lang na kailangan mong baguhin. Una… kailangan mong baguhin yung timing ng pag iipon. Karamihan, ganito: gastos muna ipon kung may matira. Ang problema… walang natitira. Try mo baliktarin. Ipon muna. Kahit maliit. Kahit 50 pesos. Kahit 100. Basta may nauuna bago gastos. Pangalawa… kailangan mong maging aware sa “maliliit.” Yung mga “okay lang yan.” “mura lang naman.” Yan yung hindi mo napapansin. Pero pag pinagsama-sama… malaki na. Hindi mo kailangan tigilan lahat. Kailangan mo lang makita kung saan ka nadadala ng impulse. Pangatlo… kailangan mong magkaroon ng dahilan. Kasi kung wala kang dahilan mag ipon… madali ka talagang matukso gumastos. Para saan ba? Emergency? Negosyo? Future mo? Kailangan malinaw. Kasi doon ka huhugot ng control. Ito yung totoo: Hindi ka nag iipon dahil hindi mo pa naaayos yung relationship mo sa pera. At okay lang yun. Lahat nagsisimula dyan. Hindi mo kailangan maging perfect. Kailangan mo lang maging intentional. Unti-unti. Hanggang sa dumating yung point na hindi ka na kinakabahan sa pera… kundi ikaw na yung may control. Kung naghahanap ka ng extra income Na kayang kaya isabay sa fulltime-job. #BCHNostr image
Peanutzz's avatar
Peanutzz yesterday
3 boundaries na dapat matutunan ng mababait na tao. Una, hindi lahat ng problema, responsibilidad mong ayusin. May mga tao kasing kapag nakita nilang lagi kang available, lahat nalang ibabagsak sayo. Emotional burden. Problema sa pera. Stress nila sa buhay. Hanggang sa mapapansin mo… ikaw na yung laging pagod. Nangyari sakin yan dati. Akala ko kasi, kapag mabait ka, kailangan lagi kang present. Kailangan lagi kang umintindi. Pero may panahon na kahit sarili mong problema, hindi mo na maharap kasi ubos ka na kakabuhat ng iba. Pangalawa, matutong humindi kahit hindi sila masaya. Hindi lahat ng “oo” kabaitan. Minsan fear lang siya na baka magalit sila o iwan ka nila. Na-realize ko yan nung halos wala nang matira sakin. Oras ko. Pera ko. Energy ko. Tapos kapag ikaw naman yung may kailangan, nahihiya ka nang magsalita. Pangatlo, protektahan mo yung peace mo. Hindi dahil tahimik ka, kailangan tiisin mo lahat. May mga tao talagang sanay lang na ikaw yung umiintindi. Kaya nung nagsimula kang mag set ng boundaries, parang ikaw pa yung nagbago. Pero totoo lang… minsan kailangan yun para hindi mo tuluyang makalimutan sarili mo. Hindi selfish ang magpahinga. Hindi masama ang unahin ang mental health. Hindi ka naging masamang tao dahil lang natuto kang magtira para sa sarili mo. Mababait na tao rin napapagod. At minsan, ang pinaka kailangan nila ay hindi mas malaking puso. Kundi mas malinaw na boundaries. Kung may nakuha kang value dito, o may part na naka-relate ka, follow mo ako. Baka makatulong ako sa journey mo. 😊 #BCHNostr #success #inspiration #motivation #SelfImprovement image